Taga-UPLB ka kung… part II
From the comments in Taga-UPLB ka kung…
1. Alam mo ang LB Square ay dating Eva Lanes
2. Alam mo ang Vega ay dating vacant lot
3. Alam mo kung saan ang DMST
4. Alam mo shortcut (pag malalakad) papuntang forestry ay ang copeland
5. Ang swimming pool lang alam mo ay yung sa Jamboree, UPCO, botanical garden at yung mga nasa bayan (Immaculate/Immaculada?)
6. Kilala mo mag asawa namamasada ng jeep na si guy & pip
7. Alam mo ang new registrar building ay ang dating old chem
8. Alam mo ang shortcut from International House to Infirmary.
9. Taga LB ka pag nakakain ka dun sa 24-hour tapsilogan sa kanto ng crossing… (meron pa rin dun, hanggang ngayon, after overnight sa theses dito kami tumutuloy noon)
10. Alam mong normal lang ang pancit canton eating contest, inuman contest, at kung ano pang maisip na contest (nung mauso ang harry potter, lahat ng book may pacontest)
11. Malamang nakasali ka na sa mga raffle na tagpipiso lang isa, isusulat mo lang pangalan mo sa mga napakaraming blank sa isang papel na may mga naka-assign na mga numero… pweding cake, CD, o ticket sa concert ang premyo…
12. Umuulan ng singko kapag patapos na sem. Swerte mo pag di ka umulit ng Math 17.
13 Kung anu-ano ang ginagawa mo makakauha lang ng GE subjects. taga elbi k kung,…..
14. Alam mo na ang Jollibee crossing ay dating gasoline station(caltex)
15. nakabili ka sa Namarco (ung nasunog na malapit sa main gate), Quality Store (kung saan may tindang Bricks ice cream at kinseng Twin Popsies, diyes kung kalahating Twin), Pogi and Sexy Store (para sa paboritong kalihim), Hongkong Store (beside Eva Lanes)
16. Nakapagpakodak ka sa Star Studio (unang-una mula sa gate)
17. Nakita mo pa ung monument ng carabaos’ heads sa magkabila ng main gate at ung farmer and carabao na center island after the main gate
18. nakapag-present ka ng program sa DZLB na noon ay nasa basement ng Humanities
19. Nakatambay ka sa second floor ng Humanities Bldg na dating library
19. Nakapagpagupit ka sa gilid ng—ano na nga ung tawag sa tambayan ng BE?—para sa ROTC. Coop pala!
20. Naka-attend ka ng Open House ng Women’s Dorm at pati na sa Men’s Dorm ng babae
21. Nakabiyahe ka ng commuter train hanggang Manila sa special student price na 25 centavos
22. Alam mong may bomba sa Doce at Chit
Still, taga-uplb ka nga kung…
1. Pabalik-balik ka pa rin para sa mga extra-ordinary na events, tulad ng ginagabing graduation rites (nag-alis na nga ung niece ko ng shoes nya dahil masakit na ang paa nya sa katagalan ng seremonyas!)
2. Kaya mo pa rin kumanta ng “u.p. naming mahal” kahit inis na inis ka sa UPF at hinarangan ang lahat ng kalye na iyong daraanan
3. You discover something new na old na rin anywhere you go, squash soup, for instance
4. Parati kang may dalang cutter blade, razor blade, o pruning shears sa bag mo (para pag-uwi mo sa siyudad, may bitbit kang cuttings ng gumamela o kung anu-ano pang halaman)
5. You never stop learning, like—amid the current rice “crisis”—rice being a “political crop”
6. As you are leaving UPLB, iniisip mo na ang muling pagbabalik




