Taga-UPLB ka kung…
Kung marami na kayong hindi alam, tiyak na old uplb alumni na kayo! So, dalawin ang inyong alma mater sa March 6 sa centennial-foundation day festivities at sariwain ang masasayang kahapon.
1. Kilala mo si Mang Pogs.
2. Nalilito ka kung saan nakalagay ang banga ni Mariang Banga.
3. Tubig na lang ang tingin mo sa gin.
4. Ginamit mong reviewer ang mga old exams para sa mga midterms, prefi at finals sa bio, math, stat, chem, physics, eco etc.
5. Hindi ka sumasagot ng UP (yupeee) kapag tinanong ka kung saan ka graduate.hahaha! sagot mo elbi.
6. Taga-elbi ka kapag kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas. (Si climax! kalahating albert einstein, kalhating mang pandoy)
7. Ok lang pumasok sa mga klase kahit naka pambahay/pantulog attire ka.
8. Pag nagtanong si manong driver ng “may animal ba dyan?”, at may sumagot ng “meron po” ay di ka natawa.
9. Pag nagtanong uli si manong driver ng “may mens ba dyan?”, at may sumagot uli ng “meron po” ay di ka natawa.
10. Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong.
11. Taga-elbi ka kung pagkatapos mong magbakasakali kay Mang Pogs, diretso ka na kay Mr. Midnight
12. Bumibili ka ng blue book sa Coop.
13. Alam mong hindi pwedeng ibato ang Batong Malaki.
14. Nung pinanood mo ang movie ni aga at regine na shot at elbi (sa may gaygay gowns) at nagtawag ng taxi si regine e nagtawanan kayo ng mga taga-LB at clueless ang iba.
15. Alam mo kung nasaan ang White House.
16. May tanline ka ng tsinelas.
17. Alam mong mas masarap ang pancit canton na niluto sa ‘heater cup’
18. Sanay ka maglakad.
19. Thursday night ang gimik night mo.
20. Alam mo na ang pinakamalaking banyo ay ang Ellen’s Fried Chicken, at Sizzler’s ang tinitingalang kainan.




