Taga-UPLB ka kung…
Kung marami na kayong hindi alam, tiyak na old uplb alumni na kayo! So, dalawin ang inyong alma mater sa March 6 sa centennial-foundation day festivities at sariwain ang masasayang kahapon.
1. Kilala mo si Mang Pogs.
2. Nalilito ka kung saan nakalagay ang banga ni Mariang Banga.
3. Tubig na lang ang tingin mo sa gin.
4. Ginamit mong reviewer ang mga old exams para sa mga midterms, prefi at finals sa bio, math, stat, chem, physics, eco etc.
5. Hindi ka sumasagot ng UP (yupeee) kapag tinanong ka kung saan ka graduate.hahaha! sagot mo elbi.
6. Taga-elbi ka kapag kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas. (Si climax! kalahating albert einstein, kalhating mang pandoy)
7. Ok lang pumasok sa mga klase kahit naka pambahay/pantulog attire ka.
8. Pag nagtanong si manong driver ng “may animal ba dyan?”, at may sumagot ng “meron po” ay di ka natawa.
9. Pag nagtanong uli si manong driver ng “may mens ba dyan?”, at may sumagot uli ng “meron po” ay di ka natawa.
10. Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong.
11. Taga-elbi ka kung pagkatapos mong magbakasakali kay Mang Pogs, diretso ka na kay Mr. Midnight
12. Bumibili ka ng blue book sa Coop.
13. Alam mong hindi pwedeng ibato ang Batong Malaki.
14. Nung pinanood mo ang movie ni aga at regine na shot at elbi (sa may gaygay gowns) at nagtawag ng taxi si regine e nagtawanan kayo ng mga taga-LB at clueless ang iba.
15. Alam mo kung nasaan ang White House.
16. May tanline ka ng tsinelas.
17. Alam mong mas masarap ang pancit canton na niluto sa ‘heater cup’
18. Sanay ka maglakad.
19. Thursday night ang gimik night mo.
20. Alam mo na ang pinakamalaking banyo ay ang Ellen’s Fried Chicken, at Sizzler’s ang tinitingalang kainan.
21. Kilala mo sina Saniano Boy at Saniano Girl.
22. Alam mo kung nasaan ang “Johnson”.
23. Alam mo ang kaibahan ng dalawang Flatrocks.
24. Kaya mong pumasok ng hindi naliligo.
25. Alam mong si Carasus at Pegabao ay iisa.
26. Alam mong okey lang na pumunta sa Maahas.
27. Tumatambay ka sa APEC para mag inom.
28. Alam mo kung nasaan ang Fertility Tree, Kwek KwekTower, at ang Templo ni Bruce Lee.
29. Tuloy ang klase kahit signal number 3 na.
30. Alam mo kung saan ang pilahan ng jeep papuntang IRRI, Forestry, o kaya ay Jamboree…
31. Hindi ka kumakain ng buko pie.
32. Alam mo na bago pa man nauso ang unli rice sa Tokyo Tokyo, marketing strategy na ito ng Salad Country.
33. Hinahanap-hanap mo ang chocolate cake sa Mer-Nel’s.
34. Alam mong bawal tumawid sa UPLB Gate(main), mula Guard House papuntang harap ng Carabao Park…
35. Alam mong may oras lang na pwede kumain sa IRRI pag di ka IRRI employee.
36. Sanay ka maglagay ng Knorr Seasoning sa kanin.
37. Alam mong ang hanging bridge ay di talaga naka-hang.
38. Alam mong hindi lang dalawang pulgada ang layo ng Bayog sa Anos.
39. Kapag nate-take mo na di magpalit ng pants hanggang ilang araw.. hehe..
40. Alam mo kung nasaan ang tatlong Ellen’s fried chicken sa LB.
41. Apektado ka sa pagsasara ng ic’s.
42. Pag may sakit ka, hindi ka pupunta “infirmary” except lang pag kukuha ka ng excuse slip.
43. Marami kang alam na ghost stories, sa ilag’s, sa men’s dorm, sa faculty village, sa may social garden etc…
44. Pag umihi ka na sa gilid ng SU (tuwing feb fair).
45. Alam mo na ang tunog ng pillbox. (rambol!)
46. Taga lb ka kapag kilala mo si “Manang slow”..
47. Hindi mo na naabutan ang Vega mall at Robinson’s.
48. Taga elbi ka kapag mas gusto mong tumambay pag feb fair kesa manood ng kung anuman sa stage.
49. Kaya mong i-identify ang species at subspecies ng bawat punong nadadaanan mo.
50. Alam mo na ang shortest way sa papuntang St. Therese chapel from Humanities ay ang dirt road…
51. Taga-elbi ka kapag alam mo kung baket maraming natatalisod sa raymundo gate.
52. Hindi mo kailangan ng rason para uminom … hindi mo na rin keilangan ng mesa pag iinom (… hindi mo na rin minsan kailangan ng baso ).
53. Alam mo kung nasaan ang Soils.
54. Mas trip mo mag-redhorse kesa mag San Miguel Light.
55. Kung di man natuloy ay binalak mong umakyat ng peak two ng Mt Makiling.
56. Taga elbi ka pag nakakita ka ng snow pag summer (yun yung bulak na nagkalat sa campus… kapok).
57. Taga-elbi ka rin pag handa mong gawin ang lahat pag nag-peprerog ka makakuha ka lng ng slot sa subject na yon (lalo na pag GE).
58. Alam mo kung saan makakabili ng masarap na proven at chicken skin–> dun malapit sa white house.
59. Alam mong ang devcom ay dating under ng CA.
60. Mas enjoy mo ang gimik sa apartment compared to bars and restos.
61. Alam mong ang “audi” at DL Umali Hall ay iisa.
62. Alam mong may gasolinahan sa loob ng campus (sa likod ng CEAT).
63. Sineryoso mo na kailangan may kasama kang date pag drill night.
63. Alam mo kung nasaan ang Ilag’s, Raymundo’s at Catalan.
64. Dismissed ka na pero sa elbi ka pa rin nakatira.
65. Alam mo kung nasaan ang Batcave.
66. Gusto mong pasabugin ang PhySci building.
67.Alam mong ang LB Square ay dating vacant lot na puro talahib.
68. Nakapanood ka na ng sine sa Agrix.
***
Find out how digital signage can boost your business.
Stumble It!




March 3rd, 2008 at 8:39 am
Eto mas luma
1. Alam mo ang LB Square ay dating Eva Lanes
2. Alam mo ang Vega ay vacant lot
3. Alam mo kung saan ang DMST
4. Alam mo shortcut (pag malalakad) papuntang forestry ay ang copeland
5. Ang swimming pool lang alam mo ay yung sa Jamboree, UPCO, botanical garden at yung mga nasa bayan
6. Kilala mo mag asawa namamasada ng jeep na si guy & pip
7. Alam mo ang new registrar building ay ang dating old chem
March 3rd, 2008 at 9:13 am
Eto pa, naalala ko, alam mo ang shortcut from International House to Infirmary.
March 10th, 2008 at 6:44 am
[...] see the entire checklist from what’s up, losbaños?. [...]
March 14th, 2008 at 4:52 am
10. Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong.
Naalala ko tuloy nung me klase ako sa Biosci dati at sobrang lakas ng ulan, pumasok ako gamit e super malaking payong na bright yellow (or orange ata?) na me tatak na Jolibee!
Salamat dito, namiss ko talaga ang LB.
March 15th, 2008 at 2:23 am
101. Kahit signal no. 3, tuloy ang departmentals!!
Maliban sa bluebook at ballpen, requirement magdala ng kandila or flashlight. Kasi brownout!
Exam venue: sa BioSci.
Time: 5:30 pm.
Weather: typhoon signal #3. No electricity in the campus. At nagsesway-sway ang mga trees.
Pero tuloy pa din exams! o diba. First year pa ako nun, pero never ko makakalimutan. 93-05514
March 28th, 2008 at 8:01 am
Taga LB ka pag nakakain ka dun sa 24-hour tapsilogan sa kanto ng crossing…
Alam mong normal lang ang pancit canton eating contest, inuman contest, at kung ano pang maisip na contest (nung mauso ang harry potter, lahat ng book may pacontest)
AT malamang nakasali ka na sa mga raffle na tagpipiso lang isa, isusulat mo lang pangalan mo sa mga napakaraming blank sa isang papel na may mga naka-assign na mga numero… pweding cake, CD, o ticket sa concert ang premyo…
March 28th, 2008 at 6:11 pm
Umuulan ng singko kapag patapos na sem. Swerte mo pag di ka umulit ng Math 17.
April 5th, 2008 at 7:31 pm
unang una, salamat sa posts mo…lalo ko tuloy namiss and elbi
mga namimiss ko sa elbi:
1. pagkain ng proven sa raymundo
2. meetings sa carabao park
3. ang pag tawag ng brod or sis sa mga orgmates ko
4. pag train sa bakerhall araw-araw
5. pagkain sa batcave
6. vista del rey
7. icis
8. makipag inuman tapos diretso pasok na kinabukasan
- para sa akin, mga taga elbi and pinaka malakas uminom!
9. tumambay lang sa tambayan
10.pakatapos ng ulan parang lagoon yung basement ng hum haha!
…naisip ko lang, bakit parang hindi na chill ang outfit ng mga tao? parang nakiki-uso na din ang mga taga elbi sa trend dito sa manila…namimiss ko yung chill outfit natin.
–bs econ 02-10332
April 6th, 2008 at 8:54 pm
25. Alam mong si Carasus at Pegabao ay iisa.
sinakyan namin ito dahil
3. Tubig na lang ang tingin mo sa gin.
namiss ko tuloy ang lb…
April 8th, 2008 at 5:08 am
Haha naalala ko tuloy mga pinaggagawa ko makakauha lang ng GE subjects. halos lahat ng GE ko ay prerog. Ang alam ko lumipat lang ang IC’s sa LB squere. pero mas maganda sana yung dati nilang place.
42. Pag may sakit ka, hindi ka pupunta “infirmary” except lang pag kukuha ka ng excuse slip. – dito ako nakakarelate. kahit inaapoy na ko sa lagnat di talaga ang pumupunta dito. hehe except kumuha ng excuse slip.
April 8th, 2008 at 5:08 am
grabe nakakamiss elbi. sarap balik balikan
April 8th, 2008 at 9:49 am
taga elbi k kung,…..alm mo n ang jollibee crossing ay dating gasoline station(caltex)
April 9th, 2008 at 8:38 pm
Hi, pa-add po ako sa blogroll. I’m an elbizen, too.
April 25th, 2008 at 4:04 pm
taga-uplb ka nga kung…
1. nakabili ka sa Namarco (ung nasunog na malapit sa main gate), Quality Store (kung saan may tindang Bricks ice cream at kinseng Twin Popsies, diyes kung kalahating Twin), Pogi and Sexy Store (para sa paboritong kalihim), Hongkong Store (beside Eva Lanes)
2. nakapagpakodak ka sa Star Studio (unang-una mula sa gate)
3. nakita mo pa ung monument ng carabaos’ heads sa magkabila ng main gate at ung farmer and carabao na center island after the main gate
4. nakapag-present ka ng program sa DZLB na noon ay nasa basement ng Humanities
5. nakatambay ka sa second floor ng Humanities Bldg na dating library
6. nakapagpagupit ka sa gilid ng—ano na nga ung tawag sa tambayan ng BE?—para sa ROTC. Coop pala!
7. naka-attend ka ng Open House ng Women’s Dorm at pati na sa Men’s Dorm ng babae
8. nakabiyahe ka ng commuter train hanggang Manila sa special student price na 25 centavos
9. alam mong may bomba sa Doce at Chit
April 26th, 2008 at 1:18 am
Wow, nightgflyer, naririnig ko na lang yang mga nabanggit mo ah…
April 27th, 2008 at 4:40 pm
Still, taga-uplb ka nga kung…
1. pbalik-balik ka pa rin para sa mga xtra-ordinary na events, tulad ng ginagabing graduation rites (nag-alis na nga ung niece ko ng shoes nya dahil masakit na ang paa nya sa katagalan ng seremonyas!)
2. kaya mo pa rin kumanta ng “u.p. naming mahal” kahit inis na inis ka sa UPF at hinarangan ang lahat ng kalye na iyong daraanan
3. you dscover something new na old na rin anywher you go, squash soup, for instance
4. parati kang may dalang cutter blade, razor blade, o pruning shears sa bag mo (para pag-uwi mo sa siyudad, may bitbit kang cuttings ng gumamela o kung anu-ano pang halaman)
5. you never stop learning, like—amid the current rice “crisis”—rice being a “political crop”
6. as you are leaving uplb, iniisip mo na ang muling pagbabalik
April 27th, 2008 at 11:23 pm
[...] From the comments in Taga-UPLB ka kung… [...]
August 16th, 2008 at 7:40 am
-pag feb fair makikita mo na naman ang JAMtrans cubao/buendia
[Alam mong bawal tumawid sa UPLB Gate(main), mula Guard House papuntang harap ng Carabao Park…] dahil nasita ka na dati.
[zarine: Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong.] right. usually men carry those. baka nga naman biglang umulan, tas yung crush mo walang dalang payong… ;D comes in golf, beach, and patio sizes. hehe
[kumareng grace: Taga LB ka pag nakakain ka dun sa 24-hour tapsilogan sa kanto ng crossing…] >> petrinos ü da best ang tapsilog dun. meron pa rin pala hanggang ngayon? pati sinangag di’ba ambangu-bango habang niluluto
~~
yung kanin na parang malapit nang mapanis (kasi kita ko dati they were individually packed in ready-to-cook portions medyo naghahamog na sya sa loob) pero cooked just in time.
this you should try ü masarap ngayon dun yung BBQ-han sa tapat ng rob, tuwing hapon lng meron. malinis pa> sure kang hindi sinawsawan ng bayan yung sauce ‘cos you get to eat your isaw on a plate.
[Kilala mo sina Saniano Boy at Saniano Girl.] sino yun?
mga tao run konting ulan lang = chance na para mag-jacket (-_-)’
ano ka taga-call center? nyahaha
hot franks sa kanluran road> pls can anyone tell me kung san source nila ng frankfurters. san kaya pwede umorder nun o makabili?
August 16th, 2008 at 7:57 am
Wala na atang Petrinos ngayon, napadaan ako a few weeks ago at sarado sila. Sayang! May bagong kainan daw sa Baker Hall, sa tabi ng tennis court. Ok daw dun.
August 24th, 2008 at 4:39 pm
grabe sobrang nakakasenti.. isang taon lang ako sa elbi.. andami kong hindi alam.. pero shet.. sobrang nasenti ako.. gusto ko mag-aral sa elbi ulet.. hmm.. magmasters kaya ako sa elbi..
sabi nga ng friend ko na transferee din na tulad ko.. “dugong elbi, pusong diliman” i miss elbi!!
August 24th, 2008 at 4:41 pm
miss ko na yung dirt road!!!!
miss ko na yung stcjp residences!!
i miss the simple life in elbi…
-mikki-02-*****-
August 29th, 2008 at 2:38 am
Circa ’60s ka sa elbi kung alam mo na meron bowling lanes sa loob ng demarse subdivision.
alam mo na meron gentlemen’s dorm malapit sa main gate.
October 23rd, 2008 at 8:43 am
awww. saktong sakto! lb nga talaga ako haha
nakakamiss magdala ng malaking payong at magshorts sa class
February 2nd, 2009 at 3:35 pm
lagi ko tong binibisita kasi nakakagaan talaga ng loob maalala ang mga ito. haha.
naalala ko pa ang tawag sa infirmary = infirmatay.
tapos wala pa noong curfew ang pagtambay sa freedom park. segue: minsan nagpatrolya ang UPF at tinanong yung mga kaibigan ko “lasing ba kayo” sumagot sila ng “hindi po *hik*” hahaha. laugh trip!
sa LB ka din makakakita ng mga estudyanteng sumasagot pag tinanong ng driver na “may animal?”
feeling ko pinauso ng LB ang tag line na “manong, estudyante” at may variations ito, e.g.: “manong, isang mabait na estudyante” at “manong, isang bracket 9″ XD
huwag din nating kalimutan ang tan lines ng tsinelas.
masayang pumasok ng parang anlaki ng salas nyo…
hay. (memories…)
- 2000 -12171
February 17th, 2009 at 7:17 am
hahaha. nakakatuwa. brings back good memories =)
February 18th, 2009 at 2:03 am
haha!!! alala ko nga si climax!!! lagi ko sya nasasalubong sa harap ng humanities bldg.. Ska talagang mens at animal ang dialogue ng mga jipney driver… hihi… naabutan ko naman ang vega mall… kaso ndi na yung robinsons… naku… yang raymundo gate na yan… nabiktima ako nyan nung lumipat ako sa pearl st…. eto pa… kung kaya nyo laklakin ang mang tomas ng batcave!!! hahaha…
February 18th, 2009 at 2:35 am
Taga-elbi ka kapag kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas. (Si climax! kalahating albert einstein, kalhating mang pandoy)
— yep, lagi ko xa nakakasalubong sa harap humanities bldg… hahaha…
65. Alam mo kung nasaan ang Batcave.
— tapos laklakan ng mang tomas!!!
32. Alam mo na bago pa man nauso ang unli rice sa Tokyo Tokyo, marketing strategy na ito ng Salad Country.
— with free salad pa yan!!
saya!!! kakamiss!!!
July 2nd, 2009 at 7:43 am
Alam nio po ung kanta ng Hemp Republic (elbi-grown band) na Elbi nights? saktong sakto un para sten…kaso nga lang,andami na po hindi masasayang pagbabago ang ngyari sa elbi..nandito pa rin kasi ko ngaun,at nalulungkot ako..hehe..eto po updates tungkol sa eLbi:
-sarado na po tlga ang petrino’s
-nagsasara na po ang raymundo gate(11pm yta)..may curfew na po kasi at bawal na magpalakad-lakad sa loob kung hindi ka sa loob ng campus nkatira
-na-giba po ung bridge sa may ceat (ung tawiran galing ceat papuntang math bldg) nung milenyo
-bukas pa po isis..pero isis taas nlang..pero meron din po isis sa Lb square
-bawal na po magyosi sa loob ng campus
-iba na tlga ang lifestyle ng kids ngaun (kids=inabot ng TOFI).. rich kids eh..hehehe..
-may mga hidden cam daw po sa loob ng campus kaya sobrang delikado na pumuslit ng swimming sa baker ng madaling araw..hehe
-ang mahal na po ng mga bilihin,sobra..student meals ngaun 35-55 pesos na..hehe..
-ipinagbawal po sa febfair ang alak..pero siyempre marami pa ring pumuslit (at marami ring hinuli)
-bumalik po saglit ung sausage plate (frankfurters) sa may malapit sa raymundo gate,pero saglit lang..parang wla na po yta ulit ngaun
pero may mga masaya pa rin naman po:
-kahit nagmahal,ansarap pa rin ng proven,balat ng manok,at isaw sa may raymundo..hehehe..
-malakas pa rin maginom ang mga tga-elbi..hehehe
…saka ko nlang po dagdagan to..wla po ko maisip pa eh..hehehe
August 18th, 2009 at 9:01 am
ako, ever since tumuntong sa uplb 7 years ago (batch ’02), ayaw nang umalis (pero graduate na ko).
dito ako nagwo-work ngayon so i get to see ung malaking contrast ng lifestyle noon at ngayon.
kasama sa updates, wala na rin masyadong pumapasok ng nakapambahay lang (at hindi pa naliligo). karamihan, talagang japorms na.
dati kahit pumasok ka ng hindi nagsusuklay ok lang. ngayon, patalbugan sila sa hairstyle. haha…
PERO
hindi pa rin natitibag si mang pogs at ang tawag na sa store nila ay ‘pogi and sexy store’.
tama bang ang sausage plate na sinasabi niyo na nagtitinda ng masasarap na frankfurters ay ung sausage snack shack sa may malapit sa raymundo gate at csi? kung yun yon, nagbubukas pa rin siya ngayon.
higit sa lahat, kahit nagbago na ang panahon, elbi will always be elbi! at forever love ko ito!