· LTB Co pa ang bus nun at ang last trip ay 8:00 pm. may sinehan sa crossing at bilihan ng mainit na buns sa ground floor. Hindi trapik,walang polusyon, walang LB Square
· May LTB pa rin noon, pati Laguna Trans and Kapalaran. Meron ding Tritran bus from UPLB to UP Diliman na malapit sa Maquiling School nakapark. Agrix ang sinehan at dito ko napanuod si Forrest Gump. Wala pang Vega, damuhan pa lang yun noon
· Si Sexy lang na may malaking tindahan sa lumang Vega
· Yung Tindahan ni Pogi and Sexy ay lumipat na rin sa kanto, malapit sa Maces. Wala na nga pala si Aling Sexy, si Mang Pogi na lang.
· Nakakulong pa si Ninoy nun at si Diokno ang parating guest sa symposium.
· Anti-US bases ang sigaw namin nun, si Cory at FVR ang presidente, At si Salonga ang Senate President! Malimit na bisita sa symposium ay si Rene Saguisag. Freshman ako nung pinaalis ng Senado ang US bases, parang fiesta kinabukasan at nagkwentuhan lang kami about it sa Kasaysayan I (History I) class ko.
· US$2b pa lang ang utang ng republika pero alam na namin nun na the 1983 loan default will happen and the country will be thrown into financial chaos
· ~US$30b na ang utang ng Pilipinas by this time
· Ang mga terror nun ay Panopio for calculus, Rimando for bio 1 where mortality rate is not good if its less than 60%. Do youstill dissect cockroach?
· Terror? Sina Climacosa, si Beng Boro daw (pero di naman), si Payawal… Wala ng cockcroach - palaka, guppy fish at makahiya na ang stars ng Bio1 class, masusuka ka sa kakagawa ng scientific papers…
· Nasaksihan ko ang pagkasunog ng dating anatomy bldg na tabi ng bio sci at ng SU.Noon nagsimula ang coed dorm. Unit 2 ground ang girls, second floor ang guys. 27 pesos lang a month ang rent and 4 in a room lang ang accomodation.
· Wala namang nasunog sa panahon namin. 110 pesos na ang dorm fee. Five in a room na kami, tawag namin sa panlimang kama ay international bed kasi kahit sino sa amin higa agad dun pagpasok sa room. Sorry ka na lang kung ikaw ang huling nagpareserve sa room!
haaay…guys i tell you. when you reach my age, you cant help but revisit the memories of youth. and lb is the greatest in my list. The innocence, the passion, the idealism, the impulse and ang walang patumanggang daldalan sa dorm…may curfew nun…12:00 midnight courtesy of Marcos. ala pang ipod, computer, gaming…kayu kayo lang ang naglolokohan buong gabi.
· Curfew? Dati wala then nagkaroon ng 10pm curfew because of the Gomez-Sarmenta case, walang patumanggang (ang lalim!) daldalan pa rin sa dorm, at kami kami pa rin ang naglolokohan sa dorm. Pag brownout, tabi tabi kami matulog at nagkwekwentuhan ng mga multo at engkanto sa dorm, white lady, footprints sa Unit IV, etc… yung engkanto sa balete tree sa harap ng Women’s!
1991 din nung pumutok ang Mt Pinatubo. Yung abo ay umabot ng Laguna, ang alikabok sa kalye at kailangan nakamask ka kung maglalakad ka sa daan. Natatandaan ko pa kami nung blockmate ko, naglalakad sa Carabao Park at kumakain ng mabolo na hinihiwa namin with a blade at nagrereklamo na nangangati kami. Pagdating namin sa dorm, namumuti kami - may ashfall pala! I think this is the most unique thing to happen to our batch - Mt Pinatubo erruption, the ashfall and the ash covered campus…
***
What would you do if your favorite chocolate is on
sale?